Learning Hub
2 min

Other Ways to Have Passive Income

Let your money do the hard work—tuklasin ang mga easy ways to build passive income.

2 min
2 min

Other Ways to Have Passive Income

Let your money do the hard work—tuklasin ang mga easy ways to build passive income.

Ano ang Passive Income?

Ang Passive Income ay isang uri ng regular income na kinikita mo kahit hindi ka actively nagtatrabaho sa isang regular job. Sa madaling salita, ito ang paraan kung saan ang pera mo ang mismong nagtatrabaho para sa iyo.

Habang ang traditional na passive income ay nangangailangan ng malaking puhunan (gaya ng rental properties o business franchising), mas madali at mas accessible na ngayon ang kumita gamit ang iyong smartphone.
‍
Modern Ways to Earn Passive
Income via GCash
1
Turn Your Savings into Passive Income via GSave
Sino ang nagsabing natutulog lang ang pera sa bangko? Pwede mong gawing automatic passive income earner ang iyong savings gamit ang high-interest savings accounts at time deposits sa GSave.

Sa pamamagitan ng GSave Marketplace Bank Partners gaya ng BPI, CIMB, Maybank, UNO Digital Bank, at Cebuana Lhuillier Bank, maaari kang kumita ng mas mataas na interes kumpara sa tradisyunal na bangko nang walang required na malaking minimum balance. Ang iyong kinikitang interes araw-araw o kada buwan ay instant passive income na agad!
2
Earn Dividends through GStocks
Kung gusto mong maging part-owner ng malalaking kompanya, maaari kang mag-invest sa stock market sa pamamagitan ng GStocks. Bukod sa pagtaas ng halaga ng iyong shares over time, marami sa mga sikat na kompanya ang nagbibigay ng tinatawag na dividends o ang share mo sa kita ng negosyo. Ang mga dividend payouts na regular na pumapasok sa iyong account ay isang mahusay na source ng passive income.
3
Grow Wealth with Dividend-Paying Funds sa GFunds
Kung bago ka pa lang sa investing at walang oras magbantay ng stocks araw-araw, ang GFunds ang perpektong opsyon. Dito, ang pera mo ay ihahalo sa pool ng iba pang investors at ipatatakbo ng professionalfund managers. Maaari kang pumili ng mga funds na naka-invest sa dividend-paying assets, para habang pinapalawak at pinalalago nila ang iyong investment portfolio, nakatatanggap ka rin ng passive income cash payouts.
‍
Creative and Digital
Passive Income Alternatives
Kung gusto mo namang gamitin ang iyong passion at talento, narito ang mga modernong paraan:
  • Digital Content and Royalties: Kung ikaw ay gumagawa ng music, video, o digital artworks, pwede mo itong i-upload sa mga entertainment at streaming platforms para kumita ng continuous royalties tuwing may gumagamit o nanonood ng gawa mo.
  • Publish an E-Book: Kung hilig mo ang pagsusulat, maaari kang mag-self-publish ng E-Book online. Isang beses mo lang itong isusulat, pero kikita ka ng passive income sa tuwing may magda-download nito worldwide.
May natutunan ka? Share mo sa friends mo
Share
Page Link
This is some text inside of a div block.