Simulan ang Financial Journey mo with GCash: GSave
Start saving now! Alamin kung bakit GCash ang partner mo para sa mas wais na pag-iipon with GSave!
Nasubukan mo na ba gumamit ng GCash?
Simula ng pandemic, naging malaking bahagi na ng pamumuhay na mga tao ang GCash.
Ginagamit natin ‘to para mapadali at maginhawa ang mga transactions tulad ng pagse-send ng money, pagbabayad ng bills at pagpapa-load.
Ngunit higit pa rito, matutulungan ka ng GCash na PALAGUIN pa ang pera mo gamit ang GSave and GFunds! Basahin ang article na ito para malaman kung paano mo maaabot ang financial goals mo with the app. Simulan natin sa GSave.
GSave
Ang GSave ay isang produkto ng GCash kung saan pwede ka magbukas ng savings account from trusted bank partners. Dito, pwede ka magdeposit ng iyong savings at kumita ng interest.
It is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) and covered by the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) up to P500,000 per depositor.
With GSave, pwede ka pumili ng savings account depende sa iyong pangangailangan. Kung ang hanap mo ay high interest, no minimum deposit, no maintaining balance, ATM accessibility, free insurance, free debit card, o no withdrawal fees, may GSave account para sa’yo!
Ano ang ikinaiba ng GSave kung ikukumpara sa traditional banks?
Mas mabilis at mas madali magbukas ng isang digital savings account! Kung fully verified ang GCash account mo at pasok ka sa minimum requirements, pwede ka na magbukas kaagad ng savings account with our bank partners. Hindi mo na kailangang pumila sa mga bangko. Kayang-kaya mo na gawin lahat sa mobile phone mo!
Anong savings account na pwedeng buksan with GSave?
May iba’t ibang GSave Marketplace bank partners: CIMB, BPI, and Maybank.
Para mas makilala pa sila, maaari mong pindutin ang pangalan ng mga bangko sa ibaba para mapuntahan ang aming help center para mas maintindihan ang offers and benefits of each bank:
Sino ang pwedeng magbukas ng GSave acount?
- Filipino Citizen
- At least 18 years old
- A Fully verified GCash App user
Paalala lang na ang #MySaveUp by BPI account ay nangangailangan ng 1 valid ID, habang ang EzySave+ Maybank account ay nangangailangan din ng 1 valid ID at 3 signatures na pinirmahan sa isang papel at hindi existing owner ng isang EzySave+ account.
Tips para ma-maximize ang paggamit ng GSave
1. Kilalanin ang available banks at pumili ng bangko ayon sa iyong pangangailangan.
Halimbawa: Kung madalas ka nagwi-withdraw at kailangan mo ng bangko na madaling ma-access, piliin ang EzySave+ by Maybank with FREE debit card for your first 1k deposit and FREE Withdrawals in all BancNet ATMs nationwide.
2. Pag mataas na ang iyong Average Daily Balance, mas tataas din ang interests o kita na makukuha mo.
Ang Average Daily Balance or ADB ay ang total ng iyong end-of-day balance ng isang buwan divided by the number of days in that month. Ito ay ginagamit para i-compute ang interest na iyong makukuha o para mag-qualify sa mga promos ng banks.
Halimbawa:
3. Mag-save regularly, especially if may spare change or sobra sa iyong funds. Lalago ito eventually into large interests.
Interest
Kapag nag-deposit ka sa isang savings account, may kita ka from keeping your money at ang amount na ito ay tinatawag na interest.
Halimbawa:
Nag-deposit ka sa savings account ng P100.00 at may interest rate ito na 2% per year. Pag hindi mo ito ginalaw, may kita ka na interest of P2.00! Kaya at the end of the year, kahit wala kang ginawa, may total savings ka na P102.00.
Compounding Effect
Hindi natatapos sa simple interest ang benefit ng isang savings account. With Compound Interest, tuluy-tuloy lang ang paglaki ng pera mo the longer you keep your money.
Halimbawa:
Nagdeposit ka ng P100.00 na may guaranteed interest rate of 2% per year. Pag hindi mo ito ginalaw, may kita ka na interest na P2.00, which makes your total savings P102.00 at the end of one year. Sa second year, dahil may P102 ka na sa account mo, the 2% interest that you’ll earn will be computed from P102 ng previous year kaya magiging P104.04 na ang total savings mo for the 2nd year!
Year | Amount | Interest Rate | Interest Earned | End of year Balance |
1 | 100 | 2% per year | 2 | 102 |
2 | 102 | 2.04 | 104.04 | |
3 | 104.04 | 2.08 | 106.12 | |
4 | 106.12 | 2.12 | 108.24 | |
5 | 108.24 | 2.16 | 110.40 |
O’ diba? May kita ang pera mo kahit wala kang ginagawa! Encouraged ka na bang mag-save? Simulan na with GSave!
Kapag may savings ka na at gusto mo pang kumita ang pera mo, we also encourage you to start investing! Kayang-kaya maging investor in just a few taps with GFunds! Tara at ipagpatuloy natin ang iyong financial journey, kaibigan!
Next Article: Simulan ang Financial Journey mo with GCash: GFunds
Mag-GSave na!
Pumunta sa GSave at magsimula magsave kasama ang bangko na bagay sa’yo!