Budgeting 101
Gastos here, gastos there. Nako, may natira pa ba? Oras na para alamin kung paano magbudget in just 5 easy steps!
Marami sa atin ang napapaatras agad pagkarinig ng salitang ‘budgeting’.
“Ang hirap mag-budget.”
“Hindi ako magaling sa math.”
“Kahit anong budget ko, hindi ako makakaahon sa utang.”
Bago tayo magpatuloy sa Budgeting 101, siguraduhin muna natin na meron tayong tamang mindset.
The Right Mindset for Budgeting
Lahat tayo ay may money beliefs mula sa friends, family members, at life experiences. Ang money beliefs mo ba ay katulad ng mga halimbawa sa taas? They tell you na hindi mo kayang mag-budget dahil wala kang pera o kakayahan.
Pero mali ‘yun! Kailangan natin burahin ang beliefs na ito sa ating utak. Kahit sino ka man, kaya mo mag-budget! Magagawa ito by developing a growth mindset. Ito ang willingness mo to grow and learn! Basta willing ka to learn new skills, tulad ng budgeting, then kaya mo rin ma-achieve ang financial independence!
Budgeting, simply put, is making a plan for every peso you have. Kaya’t kung ready ka nang bigyang-halaga ang bawat piso ng iyong income, read on!
Lahat ng gabay sa pagma-manage ng pera ay nagsisimula sa budgeting. Kapag alam mo ang iyong spending habits, then you’ll know magkano ang pwede mong ilaan sa living expenses, wants, pati na rin savings and investments. Instead of believing na mahirap ang budgeting, isipin mo na lang na isa itong paraan para mawala ang stress mo sa pera.
Ano ang kailangan to start budgeting?
1. A budgeting app, spreadsheet, or budget calculator
Sa pagbubudget, pwede ka gumamit ng ballpen at papel, pero mas madali ang online budgeting or with an app. Check out these free basic tools! May designated fields at automated computation na ang mga ito para ilalagay mo na lang ang corresponding amounts.
- Apps. Money Lover (iOS/Android), Money Manager (iOS/Android), Monthly Budget Planner (Android)
- Online resources. Money Lover web version, Consumer Finance PDF budget template, Mint XLS budget template, FiLi App
2. Your financial statements and paperwork
Ito ang documents related to your income and expenses. Halimbawa ay payslips, bills, loan statements, at bank transactions. Parte ng budgeting ang pag-compute ng iyong average monthly expenses so makakatulong ang documents na ito to help you keep track!
Make a budget in 5 steps!
Step 1. Alamin ang iyong regular monthly income
Kung regular employee ka, ang monthly income mo ay ang take-home pay o sweldo na natatanggap mo kada-buwan.
Kung self-employed o may ibang source of regular income ka such as freelance projects, then simply add your earnings after tax sa iyong income.
Step 2. Ilista ang iyong monthly fixed at variable expenses
Ilista ang lahat ng expenses mo in a month at hatiin ito into two categories.
- Fixed Expenses – Ito ang mga expenses na hindi mo pwedeng hindi bayaran at hindi dapat ipagpaliban. Kadalasan, ang mga fixed expenses ay binabayaran buwan-buwan at ang amount na ito ay hindi masyado nagbabago tulad ng rent, kuryente, tubig, at iba pang monthly bills. Kasama na rito ang mga utang na dapat bayaran para hindi lumobo ang interest.
- Variable Expenses – Ito ang mga expenses na maaring ipagpaliban o mga hindi mo inaasahan. Ang amount na dapat bayaran sa variable expenses ay madalas magbago. May mga variable expenses na madali mo ma-kontrol tulad ng damit, grocery, at entertainment, at mayroon naman na mahirap ma-kontrol tulad ng medical bills at home repairs.
Step 3. Total your monthly income and expenses
Ngayon, i-add mo na lahat. Equal ba o mas mataas ang iyong income kaysa sa monthly expenses? Good job! ang goal ng budgeting ay para bumaba ang iyong expenses at maging equal or lower ito sa iyong income para may extra money ka to save, invest and grow your wealth para sa iyong financial goals.
Pero paano kung mas mataas ang iyong expenses kaysa sa income mo? It means you are overspending. But that’s okay! Kailangan mo lang mag-adjust sa ibang areas ng iyong spending.
Tips to lower expenses:
Needs
Food and Groceries – Bawasan ang mga takeout at deliveries. Gumawa ka din ng listahan tuwing bibili ng groceries para mabili mo ang pinaka-kailangan at hindi ka ma-tempt to buy more items.
Wants
Online Shopping – Bawasan ang online shopping. Huwag palaging nagwi-window shopping sa mga online apps dahil delikado parin ‘yan na macheck-out! Tanungin lagi ang sarili kung kailangan ba talaga ang isang bagay bago ito bilhin.
Entertainment Subscriptions – May streaming services ka ba tulad ng Netflix o Spotify? See if you can downgrade o share a plan with other people para pwede mo parin gamitin pero mas nakakatipid kayo!
Step 4. Mag-assign ng amount for your expenses
Dahil alam mo na ang mga expenses mo kada-buwan, mag-assign ka na ng enough amount for each expense para sa susunod na buwan.
Start with your fixed expenses and needs, then your variable expenses and wants. Kung wala ka pang savings o emergency fund, kailangan mo na simulan magbuild o maglaan ng allowance for “unexpected expenses”. Ito ay para hindi mo ma-exceed ang iyong monthly budget in case of emergencies.
Halimbawa:
Expenses | Type | Amount |
---|---|---|
Rent | Fixed – Need | 10,000 |
Electricity | Fixed – Need | 2,000 |
Water | Fixed – Need | 500 |
Food | Variable – Need | 5,000 |
Travel | Variable – Want | 2,000 |
New Clothes | Variable – Want | 500 |
Reminder
Sa pag-aassign mo ng amounts sa bawat expense, try to make your total monthly expenses equal or less than your income. Para tama ang pagbudget, be honest about your income, expenses, and spending habits.
Step 5. Maglaan ng extra income for savings or investments
Done assigning amounts para sa iyong expenses?
May natira pa ba sa iyong income? Kung wala na, try to lower your expenses.
Kung meron pa, then it’s time to build your savings and investments! I-assign ang iyong excess income sa savings accounts or investments para lumago ang pera mo. Mas maganda kung masusundan mo ang 50/30/20 rule kung saan maglalaan ka ng 20% sa savings at investments!
Tip: Kung bago ka sa budgeting, pwede mo sundan ang 50/30/20 Budgeting Guide ng Harvard bankruptcy expert na si Elizabeth Warren. Ayon dito, 50% ng iyong income ay dapat mapunta sa needs, 30% sa wants, at 20% sa savings at investments. Magandang starting point ito especially if you’re new to saving and investing.
How to use your budget
Congratulations, nakagawa ka na ng simpleng monthly budget! It’s time to follow, track, and update it as you spend for the next month.
For best results, i-record mo ang expenses mo on your budget tracker daily. Dito, makikita mo agad kung naaabot mo na ang iyong spending limit in each category.
Still not confident na masusunod mo ang iyong budget? Then pwede mong i-adopt ang envelope system.
Finally, be patient with yourself at huwag sumuko when you overspend! You can simply move money from other categories to cover emergency spending. As you master budgeting, makakapaglaan ka na ng cash for your monthly bills, to pay your debts, to build savings, and to start investing! Eventually, makakahanap ka rin ng space in your budget for future financial goals!
Ngayon at kaya mo na bumuo ng budget plan, ang susunod na dapat mong gawin ay magsave! For saving tips, maaari mong basahin ang Savings 101!
Next Article: Savings 101
Gusto maging mas wais sa pera?
Alamin ang iba pang Usapang Pera articles para sa dagdag kaalaman tungo sa mas madiskarteng paghawak ng pera