Kahit na kailangan natin manatili sa bahay habang naka-community quarantine, kailangan pa rin natin tuparin ang ating mga usual responsibilities. Karamihan sa atin ay hindi pwede magtrabaho o lumabas, pero gumagamit pa rin tayo ng kuryente sa bahay araw-araw, tuluyang nababawasan pa rin ang ating food supplies, at ang iba sa atin ay kailangan ring magpadala ng tulong sa kanilang mga kapamilya.
Buti nalang may GCash–kaya mo nang gawin lahat ng mga ito habang nasa bahay ka lang!
Paano I-Set Up ang Iyong GCash Account
Madali lang mag-register sa GCash at wala pang bayad! Sundin lang ang sumusunod na steps para mag-download at mag-register:
- I-download ang GCash sa App Store, Google Play, or App Gallery
- Mag-sign up gamit ng iyong mobile number. Lahat ng networks pwede kahit hindi Globe!
- I-enter ang kinakailangan impormasyon at siguraduhin na katugma nito ang mga detalye sa iyong valid ID
- Gumawa ng 4-digit mobile PIN (MPIN)
- I-enter ang authentication code na itetext sa iyong cellphone
- Mag-log in sa app gamit ng iyong MPIN
Sunod, i-verify ang iyong account gamit ng iyong valid ID at isang selfie para ma-access mo lahat ng GCash features and services. Here’s how:
- Buksan ang menu sa app at i-tap ang ‘Verify Now’
- I-tap ang ‘Get Fully Verified’
- Pumili ng valid ID sa listahan
- Kumuha ng malinaw na picture ng iyong ID at i-submit
- Kumuha ng selfie–don’t worry, walang makakakita nito maliban sa amin!
- Kumpletuhin ang kinakailangang impormasyon at siguraduhin na pareho ang mga detalye sa iyong government ID.
- I-review ang iyong impormasyon at siguraduhin na ito ay kumpleto at tama
- I-tap ang ‘Confirm’
Sa iilang minuto, makakatanggap ka ng text message na may resulta ng iyong application.
Ang huling kailangan mong gawin bago ka makapag-Pay Bills, Buy Load, Send Money, at iba pa ay paglagay ng pera sa iyong GCash wallet. Pwede ka mag-Cash-In by linking your bank account, gamit ang iyong bank apps, GCash Partner Outlets, o gamit ang Cash-In machine.
I-link ang iyong bank account:
- Mag-log in sa iyong GCash App at piliin ang ‘Cash-In’
- Piliin ang bank na gusto mong i-link
- Kumpletuhin ang account details at sundan ang steps para i-link ang iyong account
- Kapag na-link mo na ang iyong account, makikita mo na ito sa ibaba ng ‘My Linked Accounts’ sa Cash-In page
- Para mag-Cash-In sa iyong GCash wallet, piliin ang linked account na panggagalingan ng pera
- I-enter ang amount na gusto mong i-transfer at mag-confirm!
Paalala: May ibang bangko na humihingi ng One-Time-PIN o OTP kapag mag-lilink o mag-caCash-In galing sa iyong account. Huwag i-share ang iyong OTP sa kahit kanino. Never tatawag o magtetext ang GCash para hingiin ang iyong impormasyon.
Mag-Cash-In gamit ang iyong bank apps:
- Mag-log in sa mobile app o website ng iyong bangko
- Mag-simula ng transfer sa ibang bank at piliin ang ‘GCash’ or ‘G-Xchange Inc.’
- Gamitin ang iyong GCash-registered mobile number bilang account number.
- I-enter ang transfer amount at i-confirm ang transaction.
Paalala: May ibang banks na sumingil ng transaction fee, pero karamihan ng mga ito ay nag-ooffer ng free transfers during the quarantine. I-check muna ang policy ng iyong bangko para ma-avoid ang di inaasahang charges.
Kapag wala ka pang bank account o hindi ka enrolled sa online banking, pwede ka mag-Over-the-Counter Cash-In sa mga GCash Partners:
- Para magsimula, bumisita muna sa isang Cash-In Partners. Tingnan ang full list dito: https://www.gcash.com/available-cash-in-partners-2020/
- Pagdating sa tindahan, puntahan lang ang cashier o ang customer service counter.
- Kumpletuhin ang Cash-In form o ipa-scan ang Cash-In barcode sa iyong app. Para makakuha ng barcode, i-tap lang ang ‘Cash-In’ > ‘View All’ sa Over the Counter options > ‘Generate Barcode’
- Ibigay ang bayad sa cashier at kunin ang iyong resibo.
Kapag merong TouchPay o Pay&Go machine malapit sa iyo, pwede ka rin mag-Cash-In gamit ng mga ito:
- Piliin lang ang GCash Cash-In sa machine screen
- I-enter ang iyong 11-digit GCash number at ang amount na gusto mo i-Cash-In
- I-insert ang iyong cash payment
- Kunin ang iyong resibo
Ngayon at na set-up na ang iyong GCash account, pwede mo nang gamitin ang GCash para mag-Send Money, Pay Bills, Buy Load at iba pa!
Paano Magpadala ng Pera
Kung merong GCash account ang papadalhan mo ng pera, pwede mo gamitin ang GCash Express Send. Sundin lang ang mga sumusunod na steps:
- I-tap ang ‘Send Money’ sa dashboard ng app
- Piliin ang ‘Express Send’
- I-enter ang cellphone number ng papadalhan at ang amount na gusto mo ipadala
- I-tap ‘Next’ at mag-iwan ng message
- I-confirm ang transaction—makukuha kaagad ng iyong papadalhan ang pera sa kanyang GCash account.
Kapag natanggap na ang pera sa GCash account, pwede na ito gamitin para magbayad ng bills, bumili ng load, mag-shopping online, at magbayad ng mga groceries sa GCash Partner merchants (gaya ng Puregold!). Pero kung kailangan niyong i-withdraw yung cash mula sa inyong GCash account, sundin lamang ang mga steps na ito:
- Bisitahin ang pinakamalapit na GCash Cash-Out partner. Tingnan ang updated list dito: https://www.gcash.com/available-cash-in-partners-2020/
- Lumapit sa cashier at sabihin na gusto mo mag-Cash-Out sa GCash
- Kumpletuhin ang form at ilagay ang iyong GCash-registered mobile number, cash-out amount, at ibang kinakailangang impormasyon
- Ipakita ang iyong valid government ID
- Hintayin ang text message para i-confirm ang iyong Cash-Out transaction
- Sundin ang mga instructions at mag-reply gamit ng iyong MPIN o OTP. Huwag ipakita sa kahit sinuman ang iyong MPIN o OTP. Kahit kailan, hindi ito hihingiin ng totoong GCash representatives.
- Kapag na-confirm na ang transaction, ibibigay na ng cashier ang pera sa iyo. Paalala lang na merong standard 2% fee lahat ng cash-out transaction. Pero, walang bayad kapag magpapadala ka lamang sa pagitan ng dalawang GCash wallet.
Maari din mag-transfer ng pera galing sa GCash account diretso sa bank account ng padadalhan mo. Pwede mong gamiting ang GCash Bank Transfer para magbayad ng renta o kaya mga kaibigan na inutangan mo. Kahit na maraming sarado na branches ng bangko dahil sa community quarantine, pwede ka pa rin mag-deposit sa 40+ banks gamit ang GCash App.
- Para magsimula, i-tap ang ‘Bank Transfer’ sa app dashboard
- Piliin ang bank na gusto mong padalhan ng pera
- I-enter ang amount na gusto mong ipadala kasama ang pangalan at account number ng papadalhan mo
- I-double check ang transfer details at i-tap ang ‘Confirm’ kung tama ito
- Makakakuha ka ng in-app at SMS confirmation kapag nakumpleto na ang transaction
Paano Bumili ng Load
Ngayon na meron nang pera ang iyong GCash wallet, pwede ka nang bumili ng load para sa kahit anong network anytime, anywhere! At meron ka pang 5% rebate para sa mga regular load at load combo transaction. Sundin lang ang mga sumusunod na steps para konektado ka pa rin sa iyong mga minamahal sa buhay:
- I-tap ang ‘Buy Load’ sa app dashboard
- Ilagay ang mobile number ng papadalhan ng load
- Ilagay ang load amount o ang napili mong load combo
- I-confirm ang payment
- Maghintay para sa in-app at SMS confirmation
Paano Magbayad ng Bills Mula sa Bahay
Hindi titigil ang monthly bills natin kahit na quarantine. Buti nalang Gamit ang GCash, hindi mo ng kailangan lumabas ng bahay para magbayad ng bills! Pwede mo pa gamitin ang GCredit kung kulang ang pambayad mo. Basahin lang ang mga instructions na ito para malaman kung paano ka pwedeng magbayad sa higit pa na 400+ billers:
- I-tap ang ‘Pay Bills’ sa app dashboard
- Piliin ang iyong biller
- I-enter ang mga kailangan na impormasyon at i-tap ‘Next’
- Piliin kung gusto mo magbayad gamit ng GCash o GCredit
- I-tap ang ‘Next’ at i-confirm ang transaction
Makikita ang kumpletong listahan ng GCash billers dito: https://www.gcash.com/billers/. I-check muna ang posting time ng iyong biller para siguraduhin na aabot ang inyong bayad on or before ng due date.
Kahit nasa bahay, kaya pa rin magawa ang mga importanteng bagay! With GCash, What can’t you do? Mag-download at mag-register na!