Sa dinami-rami ng concerts, festivals, movie premiers, shopping, eat-outs, at night-outs na hindi mo mapupuntahan dahil sa enhanced community quarantine, isa lang ang sigurado: makakaramdam ka ng boredom pagkalipas lang ng ilang araw. Pero with GCash, maraming paraan para ma-enjoy mo ang oras mo sa bahay! Pwede kang magre-load, bumili ng mobile data at magsubscribe sa apps, at marami pang iba! Pwede ang GCash sa lahat ng networks at regulated ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya sigurado kang safe itong gamitin.
Magsimula sa paggawa ng GCash account — madali lang ito at libre pa! Kung may account ka na, pwede kang mag-skip na lang dito.
Contents
Paano Gumawa ng GCash Account
Madali lang mag-register sa GCash at wala pang bayad! Sundin lang ang sumusunod na steps para mag-download at mag-register:
- I-download ang GCash sa App Store, Google Play, or App Gallery
- Mag-sign up gamit ng iyong mobile number. Lahat ng networks pwede, kahit hindi Globe!
- I-enter ang kinakailangan na impormasyon at siguraduhin na katugma nito ang mga detalye sa iyong valid ID
- Gumawa ng 4-digit mobile PIN (MPIN)
- I-enter ang authentication code na itetext sa iyong cellphone
- Mag-log in sa app gamit ng iyong MPIN
Sunod, i-verify ang iyong account gamit ng iyong valid ID at isang selfie para ma-access mo lahat ng GCash features and services. Sundin ang mga sumununod:
- Buksan ang menu sa app at i-tap ang ‘Verify Now’
- I-tap ang ‘Get fully verified’
- Pumili ng valid ID sa listahan
- Kumuha ng malinaw na picture ng iyong ID at i-tap ang ‘Submit’
- Kumuha ng selfie—don’t worry, walang makakakita nito maliban sa amin!
- Kumpletuhin ang kinakailangang impormasyon at siguraduhin na pareho ang mga detalye sa iyong government ID
- I-review ang iyong impormasyon at siguraduhin na ito ay kumpleto at tama
- I-tap ang ‘Confirm.’ Hintayin ang resulta ng iyong application na matatanggap mo sa loob ng ilang minuto via SMS.
Paano mag-add ng funds sa iyong GCash account
Para mag-add ng funds sa iyong GCash wallet, pwede kang mag-cash-in online, gamit ang mobile banking, o over-the-counter. Piliin ang iyong preferred method dito:
I-link ang iyong bank account or debit card para mag-cash-in
- Mag-log in sa GCash App at i-tap ang ‘Cash-In’
- Piliin ang bank na nais mong i-link
- Ilagay ang account details at sundan ang steps para i-link ang iyong account
- Kapag na-link mo na ang iyong account, makikita mo na ito sa ‘My Linked Accounts’ sa Cash-In page
- Para mag-cash-In, piliin ang iyong preferred bank sa ‘My Linked Accounts’
- I-enter ang amount na nais mong i-transfer at i-confirm!
Paalala: Hindi kailanman hihingin ng GCash representatives ang iyong MPIN, password o OTP. Huwag ibigay ang ganitong impormasyon sa kahit kanino at gamitin lang ito kung kailangan sa app.
Mag-cash-in gamit ang bank apps
- Mag-log in sa mobile app o website ng iyong bank
- Piliin ang transfer to another bank option at hanapin ang ‘GCash’ or G-Xchange Inc.’
- Gamitin ang iyong GCash-registered mobile number bilang account number
- I-enter ang transfer amount at i-confirm ang transaction
Paalala: May ilang bangko na maaaring mag-charge ng transaction fee, pero ang karamihan ay bank transfer ay free ngayong quarantine period. I-check ang policy ng iyong bangko para maiwasan ang ‘di inaasahan na fees.
Mag-cash-in over-the-counter
- Para magsimula, pumunta sa kahit saang Cash-In partner. Tingnan ang listahan dito: https://www.gcash.com/available-cash-in-partners-2020/
- Lumapit sa cashier or customer service counter
- Ilagay ang mga detalye sa Cash-In form o ipa-scan ang iyong Cash-In barcode sa app. Para mag-generate ng barcode, i-tap ang ‘Cash In’ > ’View All’ para sa Over the Counter options > ’Generate Barcode’
- Ibigay ang iyong bayad at hintayin ang resibo
Mag-cash-in sa TouchPay o Pay&Go machines
- Pindutin ang GCash Cash-In sa screen ng machine
- I-enter ang iyong 11-digit GCash number at cash-in amount
- I-insert ang iyong cash payment
- Kunin ang resibo mula sa machine
Narito ang mga paraan para gamitin ang GCash ngayong lockdown period!
Paano bumili ng load, data, at iba pa
Kung gusto mong i-text, padalhan ng DM o PM, tawagan, o kausapin via video call ang mga mahal mo sa buhay, kailangan mo ng load para gawin ito. Kailangan mo rin mag-register sa surf combos para manood ng videos, maghanap ng COVID-19 info, at mag-react sa mga balita. With GCash, pwede kang bumili ng load, gaming pins, broadband packages, at iba pa para sa kahit sino o kahit anong mobile network! May 5% rebate ka pa sa bawat load purchase mo.
Narito ang paraan para bumili ng load sa GCash:
- Mag-log in sa GCash App
- Sa app dashboard, i-tap ang ‘Buy Load’
- Ilagay ang mobile number ng nais bilhan ng load. Pwede ang kahit anong mobile network o non-GCash mobile number
- Ilagay ang amount o piliin ang iyong preferred load combo, broadband package, o gaming pins sa ibang tabs
- I-review ang mga detalye at i-confirm ito
Paano bumili sa App Store at Play Store
Maraming apps sa App Store at Play Store na pwedeng gamitin para mag-browse ng content, mag-edit ng photos, mag-aral ng ibang lenggwahe, o matuto ng ano mang bagay na gusto mo. Pwede kang mag-download ng iba’t-ibang laro tulad ng multiplayer online games o puzzles. Pwede ka ring bumili ng mga pelikula at libro! I-link lang ang iyong GCash account sa App Store o Play Store para ma-enjoy ang one-tap payments. Ganito ito gawin:
Para i-link ang GCash sa Play Store:
- Mag-log in sa Google Play Store
- I-tap ang side menu at piliin ang ‘Payment Methods’
- I-tap ang ‘Link GCash’ at i-tap ang ‘Continue’
- Lalabas sa screen ang auto-debit authorization page. I-check ang agreement box at i-tap ang ‘Authorize’
- Ilagay ang authentication code na matatangap mo via SMS at i-confirm
- Kung successful ang pag-link, automatic na magbubukas ang Google Play at malilista ang GCash bilang payment method
Para i-link ang GCash sa App Store:
- Mag-log in sa App Store
- I-tap ang ‘Account’ at ang iyong account name
- I-tap ang ‘Manage Payments’ at piliin ang ‘Add Payment Method’
- Piliin ang GCash sa options
- Lalabas ang GCash login page sa screen. Mag-log in sa iyong account
- Ilagay ang authentication code na matatanggap mo via SMS at i-confirm
- Kapag successful ang pag-link, automatic na maililista ang GCash bilang payment method sa iyong App Store account
Paano magbayad ng internet at cable bills
For sure, hindi mo kayang ma-imagine na walang internet, lalo na kung nasa bahay ka lang. Para siguradong may access ka sa Netflix, Spotify, at sa outside world, kailangan mong magbayad ng internet bills. Dapat mo ring bayaran ang cable connection niyo para tuluy-tuloy ang panonood mo ng paborito mong Koreanovelas at series.
Ang good news, pwede kang magbayad ng bills gamit ang GCash! Kung hindi sapat ang GCash balance mo, pwede mong gamitin ang GCredit.
Para magbayad ng bills with GCash:
- Mag-log in sa GCash App
- Sa app dashboard, i-tap ang ‘Pay Bills’
- Piliin ang category ng biller at ang biller na nais bayaran
- Ilagay ang iyong account details at amount na babayaran
- I-review ang mga detalye at i-confirm ang payment
Para sa pinakamabisang paraan sa pagbili ng load o data, pagbayad sa apps, internet, at iba pa, i-download ang GCash App at mag-register! Hindi lang ito app na pwede mong gamitin kahit saan para mag-enjoy, pwede mo ring ma-experience ang mabilis, convenient, at secure na transactions anytime, kahit nasa bahay ka lang!