Guide sa GCash Cash-in at Cash-out Options

Mahalaga ang mga serbisyo ng GCash App sa inyo at sa lahat nating kababayan, lalo na sa panahon ngayon. Kaya’t kami ay patuloy na naghahanap ng iba’t ibang paraan upang mapadali ang inyong transactions, payments, at iba pa saanman at anumang oras! Pero bago kayo magsimulang mag-transact, nais naming makasiguro na madali para sa inyo ang aming pinakamahalagang feature: cash-in.

May dalawang paraan ng pag-cash-in: online banking at over-the-counter. Bago mag-cash-in, tingnan muna ang updated na listahan ng available GCash cash-in at cash-out partners. Kontakin o i-check din ang social media accounts ng inyong bangko o cash-in branch para masiguro na sila ay bukas at online. Para mapadali ang step na ito, tingnan sa ibaba ang contact numbers at social media accounts ng inyong napiling cash-in method.

Para sa inyong mga katanungan o cash-in concerns, mag-submit lang ng ticket sa GCash Help Center.

Cash-in gamit ang Online Banking at International Remittance

Gamit ang online banking o remittance, pwede kang mag-cash-in 24/7 na hindi lumalabas ng bahay. May mga gabay din sa ibaba para sa aming first-time cash-in users.

  • BPI 

via GCash App |  Facebook | 2 8891 0000

Kung meron kang BPI Online account, alamin kung paano ito i-link sa GCash para sa tuloy-tuloy na ang inyong susunod na cash-ins.

  • UnionBank 

via GCash App | Facebook | 2 8841 8600

Pag-aralan kung paano i-link ang iyong UnionBank Online account sa GCash dito.

  • Bank/E-Wallet Apps

via InstaPay

Sundin ang mga instructions dito para alamin kung paano mag-cash-in mula sa iyong online banking account o e-wallet. Maraming bangko ang nag-o-offer nito, tulad ng BDO, Metrobank, RCBC, at Landbank. Free ang karamihan ng transfers sa loob ng lockdown duration.

Kung hindi kabilang ang iyong bangko sa guide na nasa itaas:

    1. Mag-log in sa online banking app ng iyong bangko at hanapin ang ‘Transfer Funds’, ‘Transfer Money’, o ‘Send Money’ option.
    2. Piliin ang ‘Transfer to Another Bank’ o ‘Transfer to Third Party’.
    3. Hanapin ang ‘GCash’ o ‘G-Xchange Inc’.
  • PayPal

via GCash App | Facebook

Para malaman kung paano i-link ang iyong PayPal sa GCash, sundin ang instructions dito.

  • International Remittance

via GCash App

Alam mo ba na pwede kang maka-receive ng remittances sa iyong GCash account? Sabihan lang ang iyong sender na magtungo sa alinman sa aming GCash remittance partners at ilagay ang iyong GCash-registered mobile number sa remittance form. Kung may 10-digit MTCN code ka naman mula sa MoneyGram o Western Union, sundin ang mga instructions dito para ma-claim mo ang iyong remittance.

Para makita ang aming global partners sa US, UAE, Australia, at iba pang lugar, bumisita lang sa page na ito.

Cash-in over-the-counter

Sa kasalukuyan ay na-extend ang Luzon lockdown hanggang April 30, kaya’t marami pa rin sa aming cash-in partners ang offline o limitado ang oras ng operasyon.

Kung lalabas kayo para mamili ng supplies, isabay na rin ang pag-cash-in sa aming over-the-counter cash-in partners para limitahan ang inyong paglabas. Bago mag-cash-in, i-check ang social media accounts ng iyong pupuntahang branch para masiguro na sila ay bukas. Ugaliin din ang pagsusuot ng face mask, pagdala ng quarantine pass, at social distancing.

Available na muli ang 7-Eleven cash-in gamit ang Cliqq app as of April 8. Ang kanilang service schedule ay Monday 9AM to Friday 4PM lamang. Hanapin ang pinakamalapit na 7-Eleven branch sa kanilang store locator.

  • Puregold. Monday-Sunday, 8AM-5PM | (02) 8524 4351

Lahat ng Puregold stores ay bukas sa kabila ng enhanced community quarantine. Tingnan ang regular announcements ng kanilang store schedules sa Facebook.

  • Bayad Center. 8AM-7PM | (02) 8672 5700

Ang mga bukas na branches ay inaanunsyo araw-araw sa Facebook. Sarado ang lahat ng kanilang mall branches.

  • Palawan Pawnshop | 0917 301 3868

Ang mga bukas na branches at schedules ay inaanunsyo araw-araw sa Facebook. Pwede ring tumawag sa kanilang hotline para masigurong sila ay online.

  • Villarica Pawnshop. Monday-Saturday, 8AM-5PM | 2 8555 6077 | 2 8555 6044

Ang mga bukas na branches at schedules ay inaanunsyo araw-araw sa Facebook.

Hanapin ang piling branches ng LBC na bukas, at ang schedules ng mga ito, sa kanilang store locator. Sarado ang lahat ng kanilang mall branches.

  • Savemore and SM Hypermarket

Ang mga bukas na branches at schedules ay inaanunsyo araw-araw sa Facebook.

Hanapin ang piling branches ng TrueMoney na bukas,  at ang schedules ng mga ito, sa kanilang store locator.

Piling branches lamang ang bukas sa ngayon. Tumawag sa hotline o mag-PM sa Messenger para alamin kung bukas ang inyong pinakamalapit na branch.

  • POSIBLE. 9AM-6PM | 1800-8-7674253 (Globe/TM); 1800-10-7674253 (Smart/PLDT)

Piling branches lamang ang bukas sa ngayon. Tumawag sa kanilang hotline para alamin kung bukas ang inyong pinakamalapit na branch.

Piling branches lamang ang bukas sa ngayon. Tumawag sa kanilang hotline para alamin kung bukas ang inyong pinakamalapit na branch.

Piling branches lamang ang bukas sa ngayon. Tumawag sa kanilang hotline para alamin kung bukas ang inyong pinakamalapit na branch.

Ang mga sumusunod na stores ay may piling branches na may GCash cash-in machines (ECPay, TouchPay, Pay & Go, at iba pa). Kontakin ang branch na inyong bibisitahin bago mag-cash-in para masigurong online ang kanilang cash-in machine.

  • Robinson’s Supermarket. I-check ang kanilang store schedules dito.
  • Lawson. Ang mga bukas na branches at schedules ay inaanunsyo araw-araw sa Facebook.
  • Ministop. I-check ang kanilang Facebook page o i-PM sila sa Messenger para sa pinakamalapit na open branch.
  • Mercury Drug. Tingnan ang kanilang bukas na branches at contact numbers dito.
  • Shell Select. Piling Shell stations lamang ang bukas sa ngayon. Pumunta sa page na ito para makita kung aling Shell Select branches ang bukas..
  • Easy Day Shop. I-check ang kanilang Facebook page o tumawag sa 2 865 7505 para sa kanilang open branches at schedules.
Cash-out over-the-counter

Para sa mga users na may GCash Mastercard, maaari ninyong i-withdraw ang inyong GCash balance sa alinmang ATMs nationwide. Kung hindi man, pwede kayong mag-cash-out sa mga sumusunod:

  • Puregold. Monday-Sunday, 8AM-5PM | (02) 8524 4351

Lahat ng Puregold stores ay bukas sa kabila ng enhanced community quarantine. Tingnan ang regular announcements ng kanilang store schedules sa Facebook.

  • Palawan Pawnshop | 0917 301 3868

Ang mga bukas na branches at schedules ay inaanunsyo araw-araw sa Facebook. Pwede ring tumawag sa kanilang hotline para masigurong sila ay online.

  • Villarica Pawnshop. Monday-Saturday, 8AM-5PM | 2 8555 6077 | 2 8555 6044

Ang mga bukas na branches at schedules ay inaanunsyo araw-araw sa Facebook.

Piling branches lamang ang bukas sa ngayon. Tumawag sa kanilang hotline para alamin kung bukas ang inyong pinakamalapit na branch.

Nagbabago ang sitwasyon ng ating quarantine araw-araw, kaya’t ugaliing i-check ang aming listahan ng available cash-in and cash-out partners para sa aming updates. Anumang paraan ng cash-in o cash-out ang inyong piliin, laging mag-ingat sa scammers at sa sakit. Para sa inyong concerns, mag-submit lamang ng ticket sa help.gcash.com, at tandaan: handa kaming tumulong para sama-sama nating malampasan ang community quarantine!